• Tunay na Kaibigan: A Poem

    This is a Tagalog poem I composed, I hope you will like it. The idea suddenly came to my mind when I woke up. I hope this will inspire you. Good day!

    TUNAY NA KAIBIGAN

    by Semidoppel

     

    Sa dinami-rami ng tao sa mundo

    Mahirap makahanap ng kaibigang totoo

    Sa walong bilyon na nabubuhay na tao

    Saan makakahanap ng tunay na katoto

     

    Marami diyan akala mo ay kaibigang tunay

    Nung lumaon malalaman mo may iba palang pakay

    Personal na dahilan ang kanyang mithiin

    Mag-ingat ka baka ika’y kanya lamang gagamitin.

     

    Meron din naman akala mo’y kakampi

    Siya ay kakampi kapag ika’y may katunggali

    Pero wag ka sanang minsan ay magkamali

    Baka isang araw wala na sa iyong tabi

     

    Mag-ingat din tayo sa mga mapagkunwari

    Kapag kaharap ka’y maganda ang sinasabi

    Pero kapag nakatalikod ka sa ganitong uri ng tao

    Sa likod mo ay kahol ng kahol na parang aso

     

    Anu nga ba sa tingin ko ang tunay na kaibigan

    Tingin ko madali lang natin iyan malalaman kaibigan

    Tunay na kaibigan, laging nariyan

    Sa oras ng ligaya o kalungkutan man.

     

    Siyang kaibigan na hindi kailanman aalis

    Magpapahid ng luha, aalisin ang iyong dungis

    Sa iyong kahinaan ay sandigan ng lakas

    Kasama mo sa problema hanggang ito ay malutas.

     

    Ang isang kaibigan ay malawak ang tanaw

    Suporta ay nariyan, laging nag-uumapaw

    Gagabayan ka at hindi pababayaan

    Ikaw ay aakayin, kasama mong tutungo sa paroroonan

     

    Siyang kaibigan na hindi ka kukunsintihin

    Kapag katangahan na ang iyong gawain

    Tatapikin ka sa balikat upang iyong alalahanin

    Hoy Tol! Gumising ka buhay mo ay wag sirain

     

    Ito sa tingin ko ay ilan lamang na aspeto

    Para malaman kung ang kaibigan ay totoo

    Siyang kaibigan kung kailangan ay lilitaw

    Hindi tulad ng anino na nariyan lang kapag may araw.

    Categories: Life, literature, Poem

    Tags: , , ,

    16 thoughts on “Tunay na Kaibigan: A Poem

    • Jemaima Robles says:

      Sa bawat bigkas ng salitang di naririnig
      ang bawat tiklada ang nangungusap sa isip

      Sinisiping ligaya at lungkot sa mga letra
      Sa paglapat ng tinta, sa pagtipa sa makinilya
      Doon ko rin nakilala ang kaibigang nagtiwala
      Sa pagsulat ako’y muling umibig at nagpalaya

      Sa bilyong tao nga naman, ang isip ay iisa
      Pagtibok ng sentido, pawang gawa ng musa
      Sa pagdatal ng inspirasyon, sa pagsulat ng pluma
      Ugnaya’y di na lamang dugo, bagkus ay ideya

      Sa iyong pagiging tunay, salamat kaibigan
      Panig man ng mundo mo, sa akin ay kasukalan
      ‘Pagkat sa bawat bigkas ng salitang di naririnig
      Ang bawat tiklada ang nangungusap sa ating isip

    • roitchie says:

      di me xado nakarelate kuya! echos! pasok!

      Semidoppel Reply:

      weh di nga hahaa

    • Aj Banda says:

      Naaliw ako sa tulang ito.. :)

      Pero pasensya na at kokontra ako sa isang part ng tula. Para sa akin, ang pinaka best na kaibigan ay di papahirin ang luha mo.. bagkus ay tatabi sila sayo at iiyak din.. tapos magkakatinginan kayo at tatawa kasi ang papangit nyo umiyak… tapos limot mo na ang problem.. In short sila ang handa kang samahan sa lahat ng iyong kaemohan para lang maparating sayo na di maganda ang ginagawa mong pagsira sa buhay mo.. :)

      ang haba ng comment ko di ba?! hehe

    • Cryptic Kris says:

      Cool! Another poet here (underground). :)

      Semidoppel Reply:

      yeah dadamihan ko pa

    • Talented ka talaga. Can you be one of my bestfriends? Seriously..

      Semidoppel Reply:

      Bestfriends? Sure Why not!

    • Biboy says:

      Wow isa ka rin pa lang poet. Hehe :) Ganda ng pagkasulat :)

      Semidoppel Reply:

      Salamat po Sir Biboy

    • Lulu says:

      I totally agree.. Great timing, i guess this one’s for kuya jehz.. Pakisabi ke kuya jehz, semi.. Madami tayong mga kaibigan nya.. (: plz! Pki parating.. Thanks for this inspirational poem semi.. (:

      Semidoppel Reply:

      Makakarating Lulu, teka diba pumunta na ata kayo

    • Arwin says:

      Tama ka diyan, hindi kasi natin alam kung sino ang totoo at sino ang hindi. Iba iba kasi tayo at pwede lang nating magawa eh sumugal kung sino ba ang dapat nating pagkakatiwalaan.

      Semidoppel Reply:

      Kaya dapat maging mabusisi tayo sa pakikipagkaibigan…Thanks Straw Hat

    • Astig! Galing ng pagkakacompose mo Semidoppel! :)

      Semidoppel Reply:

      salamat Sir Tyrone!

    Leave a Reply